Ano ang mga ACPC credit programs para sa farmers at fisherfolk?

Ginawa ni Paul Sondia, Binago sa Mon, 24 Nov, 2025 sa 2:15 PM ni Paul Sondia

Gusto po naming ipaalam na bilang attached agency ng Department of Agriculture, ang mga programa ng ACPC ay nakatuon para sa production o working capital ng ating mga farmers, fisherfolk, livestock at poultry raisers, pati na rin ng mga agri-fishery micro at small enterprises. Sa ngayon, may tatlo po kaming pangunahing credit programs.


1) Kapital Access for Young Agripreneurs (KAYA) Loan Program, na nagbibigay ng zero-interest loan para sa mga kabataang agripreneurs na gustong magsimula ng kanilang agribusiness. Para dito, kailangang nasa edad 18 hanggang 30 years old ang borrower at graduate ng formal o non-formal na agri-fishery related programs o training courses.


2) Agri-Negosyo (ANYO) Loan Program, na bukas para sa individual farmers at fisherfolk, pati na rin sa kanilang mga organisasyon, associations o cooperatives. Pwede rin dito ang mga agri-fishery micro and small enterprises, gaya ng sole proprietors, partnerships, at corporations. Layunin nitong matulungan ang mga nasa agri-fishery sector na mapalago pa ang kanilang kabuhayan o negosyo.


3) Survival and Recovery (SURE) Assistance Program, na nakatuon upang matulungan ang mga agricultural households sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad. Layunin nitong makatulong sa kanila na makabangon at maipagpatuloy muli ang kanilang kabuhayan.


Mahalaga pong tandaan na ang mga gustong mag-avail ng loan ay dapat nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) o Farmers and Fisherfolk Enterprise Development Information System (FFEDIS). Kung hindi pa kayo rehistrado sa RSBSA, maaari kayong tulungan ng Municipal Agriculture Office (MAO). At kung hindi pa sa FFEDIS, pwede kayong tulungan ng Department of Agriculture Regional Field Office (DA-RFO) sa inyong lugar.


Kung interesado po kayo, maaari ninyong tingnan ang directory ng mga designated focal person sa inyong probinsya para sa assistance sa inyong application. Ito po ang link: https://acpc.gov.ph/focal-person/

Nakatulong ba ang artikulong ito?

Ang galing!

Salamat sa iyong puna

Paumanhin! Hindi kami maaaring makatulong

Salamat sa iyong puna

Ipaalam sa amin kung paano namin mapapabuti ang artikulong ito!

Pumili ng kahit isa sa mga dahilan
Kinakailangan ang pagpapatunay ng CAPTCHA.

Ipinadala ang feedback

Pinahahalagahan namin ang iyong pagsisikap at susubukan naming ayusin ang artikulo